Saturday, July 18, 2009

Rehashing old memories

This was our presentation for our Theater Arts class two semesters ago. I was one of the playwrights and I also helped the Production Team.
-------------------------------------------------------------------------
“Ano bagang masama umibig? Ano bagang kapuot-puot sa pagiging maligaya ng dalawang taong tunay na nagmamahalan? Ano bagang masama sa pagpapa alipin? Magpa alipin kapalit ang pag-ibig. Lahat naman ng tao’y alipin ng mundo. Alipin ng Pera, nang galit, poot, pag-ibig? Ano bagang masamang mag paalipin sa mundong puno ng alipin?”

Oripun
Hanggang san ka nito dadalhin?

SYNOPSIS [this is the detailed version, I lost a copy of the short one] :

Nagsimula ang lahat sa isang gabing tutukoy sa kapalaran ng dalawang pinaka-makapangyarihang pamilya sa Maranao, ang pamilya ni Rajah Rashid Banocag at Sultan Ismaeli Baladjay. Napagkasunduan ang pag-iisang dibdib ng kanilang mga anak na si Amir at Islani sa layuning panatilihin ang kapangyarihan sa kanilang mga kamay. Sa gabing iyon ay nag handog ng isang salu-salo ang pamilyang Banocag na dinaluhan ng Sultan na sinyales lamang na buo ang loob nila sa kasalan. Masaya ang lahat maliban kay Amir at sa kapatid nitong si Iyana na magkaparehong hindi sangayon sa konseptong pinagkasundo na pag papakasal sa mga maharlikang Muslim. At sa salu-salong ito ay makikita ni Amir ang tao na babago sa kaniyang buhay - si Yusoph, isa sa mga tagapag silbi ng pamilya Banocag. Minsan ay ipinatawag si Amir nang Rajah dahil nais nitong asikasuhin na niya ang lahat ng mga kakailanganin para sa kasal at maghanda na ito sa pagiging Rajah, itinalaga niya ang alilang si Yusoph bilang tagapag-alalay ni Amir sa lahat ng kailangan nitong gawin.

Unang kita pa lamang ni Prinsesa Islani kay Amir ay nagustuhan niya agad ito, pakiwari niya’y inibig na niya si Amir sa unang araw palamang ng kanilang pagkikita. Malugod siya na si Amir ang pinili ng kaniyang magulang na ipakasal sakanya. Ngunit isang araw ay napagod na si Amir, napagod sa pag-papaalipin sa kanyang ama at sa Rajah at sa kasakiman ng mga ito. Pumunta siya sa pinaroroonan nang kanyang ama kasama si Yusoph at ihinayag ang kanyang dinadamdam.

Lubos na ikinagalit ng Sultan ang hinaing ng anak at sinabing wala siyang karapatang mamili ng kaniyang kagustuhan. Nagtangkang pigilan ng alilang si Yusoph ang Sultan sa pananakit kay Amir ngunit walang siyang nagawa. Bilang pasasalamat sa kabutihang ipinakita ni Yusoph ay ninais ni Amir na bigyan ito ng Plawtang kahoy. Ngunit hindi rin ito tinanggap sa dahilang mga plawtang may ganoong yari ay mamahalin at iyon lamang klase na maaaring gamitin ng mahaharlika. Magpapaalam si Yusoph at lalong mamamangha ang anak ng Sultan sa kapurihan ng loob ng alipin.

Naiwan si Amir na nag-iisa, yayakapin ang plawta at doon aaaminin ang nararamdaman niya para kay Yusoph dahil yaon lamang ang nagpakita sa kaniya ng tunay na kabutihan. Pag tapos maamin sa sarili ay ipagbibigay alam niya ito sakanyang malapit ng kapatid na si Iyana. Ipinagtapat nya din niya ito kay Islani at lubos na ikinalungkot ng Prinsesa ang balita. Sinabi nito na hindi maaari na ang dalawang lalake ay umibig sa isa’t isa dahil mahigpit na ipinagbabawal ito ng kanilang tradisyon at relihiyon - sino mang lalabag sa batas ay maaring maharap sa parusang kamatayan. Lingid sa kanilang kaalaman, nakikinig pala si Yusoph sa kanilang usapan. Masisipat ng matalik na kaibigan ng Prinsesa na si Hasmin, ang kaduda-dudang ikinikilos ng alipin. Ng dahil sa lubos na pagmamahal ni Islani kay Amir ay pumayag itong ihinto ang kasal at idadahilan sa Rajah na siya ang nagnanais nito. Umalis ang prinsesa at doo’y magkikita si Amir at Yusoph at magtatapat ng pagmamahal sa isa’t isa.

Ipinagtapat na ni Islani sa kanyang ama ang tunay na pagkatao ng kanyang mapapangasawa. Ito ay nagalit at hindi sumangayon sa planong ihinto ang napagkasunduang piging. Kung hindi niya ito gagawin ay siya mismo ang magpapapatay kay Amir. Labis na nagdalamhati si Prinsesa Islani at maglalabas ito ng sama ng loob sa mga kaibigang serbadora at duon ay malalaman kay Hasmin na nakikinig pala sa kanilang usapan si Yusoph noong gabing iyon. Na maaaring sinabi lamang ni Yusoph na mahal niya si Amir dahil alam na nito na may gusto iyon sa kanya. Nag-plano ang prinsesa kasama ang mga kawal at serbadora na ipadala si Yaser, ang matalik na kaibigan ni Yusoph sa kwarto nito at paaminin ito sa tunay na hangarin.

Nagalit ang Prinsesa sa natuklasan; agad agaran niyang ikinunsulta sa mga magulang na kanyang ipadadakip si Yusoph dahil sa paglabag nito sa tradisyon, na may gusto it kay Amir at kailangang parusahan. Dito rin niya sinabi na nais na niyang matuloy ang kasal kinabukasan din. Pumaroon si Amir sa bahay ng Sultan ngunit imbis na sa Prinsesa makipag-usap ay dumeretso ito kay Yusoph. Niyaya niya itong tumakas na lamang at siya na ang bahala sa kanilang mga pangangailangan. Pumayag naman ito sa plano ni Amir. Uuwi na sana ito para maghanda sa kanilang pagtakas ngunit nakasalubong niya ang mga kawal na pumasok sa silid ng kanyang iniibig. Nakita niya itong dinakip at nag tangkang pigilan ang mga kawal. Ngunit wala siyang nagawa dahil ito habilin ng mahal na Rajah. Pinayuhan na lamang nila si Amir na magtungo sa sala at mamamataan duon ang buong pamilyang Banocag at Baladjay.

Umiiyak na nagtungo si Amir sa Sala. Agad-agad siyang niyakap ng kanyang kapatid ngunit kinamuhian ng kanyang ama sa nakakahiya nitong itsura, nilapitan niya ito at sinampal. Bago pa man muling masaktan ng Sultan ang anak ay nagsalita na si Prinsesa Islani, sinabi sa Rajah na pigilan ang Sultan at sa halip ay sabihin na nila ang kanilang plano. Lumapit ang Prinsesa kay Amir at humihikbing sinabi dito na ituloy na ang kanilang pag papakasal at ng hindi na siya ipapatay ng Sultan at Rajah. Sumangayon si Amir ngunit kundisyon na palayain si Yusoph. Kinaumagahan din ay ikinasal ang dalawa, natupad ang napag-usapan. Habang sila ay ikinakasal ay naroroon si Yusoph na bantay ng mga kawal. Umiiyak na sinabi ni Islani at Amir ang kanilang binitiwang pangako sa isa’t-isa. Matapos ang kasal ay sumenyas si Prinsesa Islani sa mga kawal. Lalapit siya dito at sasabihing pagkaalis nila ni Amir ay isasakatuparan na ang plano.

Umalis na ang lahat at natira na lamang ang mga kawal at si Yusoph. Naglabas nang sundang ang isang kawal at nag akmang papatayin si Yusoph ngunit ito’y nagmakaawa para sa kaniyang buhay. Lumambot ang puso ng kawal at sana’y patatakasin ito ngunit biglang ibinaon ng isang sa kanila ang kaniyang sundang sa likuran ni bihag. Ikinamatay nya ito.


Unang gabi nina Prinsesa islanie at Amir sa kwarto. Niyayakap-yakap ng Prinsesa si Amir, ngunit pilit itong lumalayo. Itinanong nito kung nasaan si Yusoph at nais niya itong Makita. Nagmakaawa siya sa Prinsesa ngunit nagalit ito at sinabi na ipinapatay na niya ang taksil na alipin. Sinabi ni Islani ang tunay na hangarin ni Yusoph kay Amir. Kinamuhian niya ang prinsesa at sinabing sinasabi lamang niya ito dahil gusto niyang matuloy ang kasalan natunay siyang minamahal ni Yusoph. Lalong nagalit ang Prinsesa, Ulit-ulit na sinasabi ng prinsesa na pinapatay na niya ang aliping Taksil, Ulit-ulit niya itong tinatawag na Taksil. hindi na nakapagtimpi pa si Amir, kumuha ito nang sundang at winaksan ang buhay ni Prinsesa Islani. Nagsisigaw siya sa poot; umiiyak ito habang isinisiwalat ang kanyang damdamin. Biglang papasok ang mga Kawal at siya’y dadakipin. Pumapalag siya ngunit wala ng magawa.

-END-

[will not post the whole script, too lengthy.]

Trailer:

Directors:
[forgot their names o_o to follow]

Playwrights:
Anne Margareth Chavez, Melissa Silvestre, Carol Rehvin Soriano,
Mario Carlo Miguel Roque, Luciano Arnel Paez, Randy Vigilla, Paul Dominique Tejada

Cast:







Production Team:
[lost track of the pictures and list of the production team, sorry D:<]

copyright: 5per15 Productions - BMC III-III PLM CMC
Synopsis by Anne Margareth Chavez, Melissa Silvestre
Trailer by Melissa Silvestre
Posters by Patricia Dominique Parado

0 comments:

Post a Comment

 

Follow Through Copyright © 2009 WoodMag is Designed by Ipietoon for Free Blogger Template