Monday, September 21, 2009

chill :D

Time out muna. Mula sa tambak na school work, naiwang trabaho at sakit sa katawan.

Oye, though I was able to sleep for more than 6 hours today, it still wasn't enough cause I wake up every hour
since 6AM, trying to get up and continue working on our thesis. Kaso 10AM na ko nakabangon, parang sinayang ko lang ung apat na oras kasi hindi rin naman ako nakatulog ng maayos.

9PM na. Atlast, natapos din sa thesis. May naiwan pang isang pahirap na kailangan din ipasa bukas. Bakit ba kasi naging proponent pa ko -.-" dagdag trabaho tuloy. Haha okay wala ko karapatang umangal. Err o.o maya maya na yun, kailangan ko ata muna mag unwind. Pero weird kasi PC parin kaharap ko. Naka apat na bote na ata ako ng isang litrong coke ngayong araw, at iinom pa ko. I need sugar. I need caffeine.

So ayun. How do you know na hindi mo na mahal ang isang tao? (sabay ganun eh no)
Dahil ba hindi mo na siya araw araw kausap, hindi mo na siya (gaano) naiisip at 'di katulad dati, hindi mo nami-miss ang mga message niya at tinatamad ka ng makipag usap sakanya.
Dahil ba ngayon tanggap mo nang wala siyang kwentang kausap dahil kahit gaano kahaba ang text mo ay irereply niya lang sayo "okay :))" and things like that?
Dahil ba hindi tulad noon, hindi mo na naiisip na magkikita din kayong dalawa sa hinaharap upang maiayos ang lahat?
Dahil ba totoong hindi ka na umaasang babalik siya at wala ka na rin balak pang makipag balikan kasi wala naman talagang patutunguhan?
Dahil ba hindi ka na nalulungkot na hindi mo na boyfriend yung crush mo dati?
Dahil ba nagagamit mo na ang mga binigay niya ng hindi nag se-senti?

Dahil ba pag nakikita mo ang picture niya ngayon, hindi ka napapa isip na sana hindi ka na lang nakipag break?
Dahil ba kaya mo ng magshare sakanya ng mga bagay na maaaring magpahiwatig na wala kayong pag asa, di katulad ng dati na hindi nag bago ang pag trato mo sakanya?

Kung ganun nga, edi okay. If not, I guess I won't know for sure until I see him personally. Which I doubt na mangyayari kasi ayoko na din siyang makita, kumpara dati na i exerted so much just to see him. Kasi sa palagay ko kahit mag kita kami, wala namang magbabago. Hindi na babalik yung naramdaman ko para sakanya, kasi hindi na siya yung minahal ko noon.

Oo nga. Siguro mali yung pag mag bago yung tao, kesa tanggapin mo, hindi mo na mamahalin. Edi mali ako o.o
Ganun eh. So pano mo naman malalaman kung mahal mo na yung tao? Kung you just became too attached, or infatuated and all that shit.

Isang sign na ba yung dati lahat nasasabi mo sakaniya, kaso ngayon may mga bagay ka ng tinatago kasi hindi pwede. . o.o
Yung, gusto mo gawin yung mga bagay para lang maging masaya siya.
Yung, kulang yung araw mo pag 'di mo siya nakausap.


and all that shit :))

0 comments:

Post a Comment

 

Follow Through Copyright © 2009 WoodMag is Designed by Ipietoon for Free Blogger Template